Ni Liezle Basa Iñigo

Binawian ng buhay ang isang 76-anyos na lalaki makaraang manikip umano ang dibdib at kinapos ng hininga matapos mag-check-in sa isang motel sa Mangaldan, Pangasinan kasama ang isang 23-anyos na babae, nitong Sabado ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Domingo Basilio Doot, taga-Barangay Gueguesangen, Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang insidente makaraang mag-check-in sa Happy Inn sa Bgy. Guilig, Mangaldan, si Doot, dakong 9:30 ng umaga.

Nabatid na kasama ng matanda nang mag-check-in ang isang Rubelyn Cerezo dela Cruz, 23, ng Bgy. Alitaya, Mangaldan, Pangasinan.

Probinsya

Sarangani Island sa Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol!

Makalipas ang isang oras ay bigla umanong nakaramdan ng paninikip ng dibdib ang biktima kaya dali-daling tinawag ni dela Cruz ang roomboy upang dalhin ang lalaki sa pagamutan, subalit dead on arrival ito.