Ni Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Dalawa sa tatlong graduating students ang nalunod habang inoobserbahan pa sa ospital ang kasama nila makaraang magsipaligo sila sa Gapan-Penaranda River nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi sa pagkalunod na sina Rica Mae Santiago, 15, ng Barangay San Lorenzo, Gapan City; Melanie Dawaton y Gamboa, 12, ng Bgy. Bayanihan; habang nasa ICU ng ospital si Rachel Mae Balingit y Yumol, 13, ng Bgy. San Lorenzo.

Ang tatlong dalagita ay pawang graduating students ng South Elementary School, na ayon sa ulat ay hindi pumasok sa klase at nagkayayaang maligo sa ilog.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dakong 7:40 ng gabi nang makatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya tungkol sa pagkalunod ng mga estudyante, at dakong 9:00 na ng gabi nang marekober ang labi ng dalawa sa kanila.