NASUGBU, Batangas – Natagpuan sa dalampasigan ng isang beach resort sa Nasugbu, Batangas ang isang technician matapos umano silang mag-outing ng kanyang mga katrabaho, nitong Huwebes ng umaga.

Dead on arrival sa ospital si Ronnie Valeriano, 28, ng Malabon City ilang minuto matapos itong matagpuan sa dagat sa isang beach sa Barangay Balaytigue.

Naiulat ng pulisya na bago nag-swimming ang biktima kasama ang mga katrabaho sa kumpanya ay nag-inuman umano ang mga ito.

Natuklasan na lamang ang pagkawala ni Valeriano nang hanapin na ito upang mag-almusal. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito