Petro Gazz

Ni Marivic Awitan

ISANG bagong koponan ang nakatakdang sumalang sa darating na Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magbubukas sa Mayo.

Binubuo ng mga dating manlalaro ng De La Salle at College of St. Benilde ang bagong koponang Petro Gazz na gagabayan ni dating University of the Philippines coach Jerry Yee.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tataguriang Angels, ang koponan ay pangungunahan nina dating Lady Spikers Paneng Mercado at Chie Saet,mga dating Lady Blazers na sina Djanel Cheng, Ranya Musa at Rica Enclona.

Nagsimula na ang puspusang ensayo ng Petro Gazz bilang paghahanda sa kanilang unang stint sa PVL.

“We like to be as ready as we can be. Of course siyempre ang other teams nag-eensayo din ‘yan,,” ani Yee.

Kabilang din sa line-up ng Petro Gazz sina imports Kadi Kullerkann ng Estonia at Anastasiia Trach ng Ukraine at sina CSB standout Rachel Anne Austero, dating La Salle player Cienne Cruz, kasama sina Alyssa Layug,dating NU spiker Cai Nepomuceno at dating La Salle hitterWensh Tiu.

Inaasahan namang makakasama nila pagkaraan ng ongoing UAAP Season 80 volleyball tournament si University of the East standout Mary Ann Mendrez.