Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY, Tarlac - Dinakip ng mga tauhan ng Tarlac City Police ang isang binata matapos itong magbenta umano ng ipinagbabawal na gamot sa lugar malapit sa himpilan ng pulisya sa nasabing lugar, nitong Martes ng gabi.

Nagsisisi ngayon sa loob ng kulungan si Joselito Saludez, 44, ng Magsaysay Village, Barangay San Vicente, Tarlac City.

Paliwanag ni Insp. Wilhelmino Alcantara, naglatag sila ng buy-bust operation matapos nilang madiskubre na nagbebenta ng droga ang suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska umano sa suspek ang isang transparent plastic sachet na may 0.159 na gramo ng shabu at P500 marked money, isang motorsiklo at cellular phone na ginagamit umano nito sa illegal na gawain.