Ni Mary Ann Santiago

Dahil umano sa matinding problema, nagbigti ang isang lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) si Elias Bonifacio, 48, may asawa, ng 138 Carlos P. Garcia Street sa Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Station 1, kauuwi lamang ng ina ng biktima nang pagbukas niya ng pinto ay bumungad ang nakabigting anak, dakong 6:10 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang ina ni Elias at isinugod sa ospital, ngunit patay na ito.

Aminado ang ginang na problemado sa buhay ang anak, ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye.

Hindi na rin pinaimbestigahan ng ginang ang pagkamatay ng anak sa paniwalang walang naganap na foul play.