NI Rizaldy Comanda

FORT DEL PILAR, Baguio City - Sipag at tiyaga lamang ang naging puhunan ng isang 25-anyos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) para maabot ang pinakaasam-asam na pagkilala—ang Presidential Saber Award na igagawad mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang graduation ceremony sa Linggo.

PETMALU! Nakatayo sa likuran nina Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Donato San Juan (nakaupo, gitna); B/Gen. Jose Faustino (kaliwa), commandant ng mga kadete, at Dean of Academics B/Gen. Joseph Villanueva ang Top 10 graduating cadet ng PMA Class “Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas” 2018. ` (RIZALDY COMANDA)

PETMALU! Nakatayo sa likuran nina Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Donato San Juan (nakaupo, gitna); B/Gen. Jose Faustino (kaliwa), commandant ng mga kadete, at Dean of Academics B/Gen. Joseph Villanueva ang Top 10 graduating cadet ng PMA Class “Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas” 2018. ` (RIZALDY COMANDA)

Anak ng isang magsasaka si Cadet First Class Jaywardene Galilea Hontoria, tubong Barangay Blabag, Pavia, Iloilo, na isa nang lisensiyadong nurse bago sumali sa military school upang matupad ang pangarap na maging isang magiting na sundalo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Panawagan ko lang sa mga kabataan na maging masipag, lalo na sa pag-aaral. Malaki ang natutuhan ko sa academy at ito ay ibabahagi ko sa ating bayan at kababayan,” sabi ni Hontoria.

Mapapabilang sa Philippine Navy, nanguna si Hontoria sa Philippine Military Academy Class Alab-Tala (“Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas”) bilang class valedictorian.

Siya ang ikalawang Baron leader ng klase, ang una ay noong 1951.

Kasunod ni Hontoria sa Top Ten sina Cadet 1CL Ricardo Liwaden, ng Barlig, Mt. Province, na tatanggap ng Vice Presidential Saber Award; Cadet 1CL Jun-Jay Castro, ng Amulung, Cagayan; Cadet 1CL Leonore Japitan, ng Butuan City; 1CL Mark Dacillo, ng Zamboanga City; 1CL Jezaira Buenaventura, ng Bais City, Negros Oriental; 1CL Jessie Laransng, ng San Clemente, Tarlac; 1CL Paolo Briones, ng Baguio City; 1CL Jayson Cimatu, ng Casiguran, Aurora; at 1CL Micah Reynaldo, taga-Bamban,Tarlac.

Sina Cadet First Class Jasm Marie Alcoriza, ng Bacolod City; at Cadet First Class Christian Olarte, ng Legaspi City, Albay, ay pagkakalooban ng special awards na Athletic Saber at Journalism Award.

Ang PMA Class Alab-Tala ay kinabibilangan ng 207 lalaki at 75 babae, at 143 ang aanib sa Philippine Army, 71 sa Philippine Air Force, at 58 sa Philippine Navy.