Ni Mina Navarro

Pinagbawalang mag-leave ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang pangunahing pantalan, sa panahon at pagkatapos ng Mahal na Araw upang tiyaking sapat ang mga tauhang maglilingkod sa mga pasahero na magbabakasyon.

Sa ulat na tinanggap ni BI Commissioner Jaime Morente mula kay port operations division chief Marc Red Mariñas, naglabas siya ng isang memorandum na ang kanyang tanggapan ay hindi na tumatanggap ng mga aplikasyon para sa bakasyon at mga forced leave sa pagitan ng Marso 20 hanggang Abril 15.

Ayon kay Mariñas, inilabas ang kautusan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga parating at paalis na pasahero ngayong Kuwaresma.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Aniya, isang linggo bago ang mahabang bakasyon karaniwang mapapansin ang pagtaas ng bilang ng paalis na pasahero habang ang resulta nito ay mas mataas na bilang ng dumarating na pasahero.

Ayon kay Morente, kung kinakailangan, pansamantalang magpapakalat ang BI ng immigrations officers (IOs) sa NAIA at sa iba pang paliparan ngayong Mahal na Araw.