Ni Orly L. Barcala

Patay ang isang dalaga nang mabundol at magulungan ng dump truck habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Valenzuela City, nitong Martes ng hapon.

Sa report ni Inspector Ritchie Garcia, hepe ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, dead on the spot si Edelyn Abelo, 36, ng No. 22 Saint Peter Avenue, Luis Francisco Subdivision, Barangay Viente Reales ng nasabing lungsod.

Naaresto naman ang suspek na si Eddie Ringor, 27, ng Malokiat, Pozzonrubio, Pangasinan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon ni SPO3 Tirso Delina, ng VTIU, sakay si Abelo sa kanyang motorsiklo (2061- UC) habang minamaneho ni Ringor ang Isuzu dump truck (RKL-919) sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Bgy. Malanday at patungong Bulacan.

Sinasabing nag-overtake ang suspek dahilan upang mabundol nito ang dalaga at pumailalim sa dump truck at tuluyang nagulungan.

Sasampahan ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Valenzuela Prosecutor’s Office.