Ni Bert De Guzman

Napasya ang mga kasapi ng House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Martes na mag-isyu ng subpoena duces tecum at ad testificandum kina Nueva Ecija Governor Cherry Umali at Negros Oriental Gov. Roel Degamo, dahil sa patuloy na pang-iisnab sa pagdinig ng komite.

Sinabi ni chairman Rep. Johnny Pimentel, na kailangang dumalo sa pagdinig ang mga gobernador ng Nueva Ecija at Negros Oriental para magpaliwanag sa quarry operations sa kanilang mga lalawigan.

Nagsasagawa ng pagsisiyasat ang komite batay sa House Resolution 1505 hinggil sa umano’y kurapsiyon at iregularidad sa pagpapatupad, pangongolekta at pamamahagi ng mga buwis at bayarin mula sa quarrying operations sa Nueva Ecija at iba pang mga probinsiya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang resolusyon ay inakda nina Reps. Sofia Vergara, Micaela Violago, Magnolia Antonino, at Arnulfo Teves, Jr.