SUNUD-SUNOD na ang pagpo-produce ng Spring Films pagkatapos ng kanilang all-time box-office hit na Kita Kita.

PIOLO copy copy

This time, epic film about Marawi siege ang puntirya ng Spring Films at ng co-owner na si Piolo Pascual. Interesado sila sa mga naganap sa giyera ng mga sundalo at rebelde sa naturang siyudad.

“Mahirap siya,” sabi ni Piolo sa isang interview, “mahirap but you know it’s an advocacy, nobody is getting paid for this project but it’s one way of giving back to the industry for them to really know what happened and to show for the entertainment industry para maging mas aware sila dun sa nangyari sa Marawi.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Lahat talaga kami dito tulung-tulong and sana magawa naming maganda kasi it’s part of history,” paliwanag ng aktor.

Ang ilan sa mga artistang nababanggit na magiging bida sa Marawi ay sina JM de Guzman, Carlo Aquino at Daniel Padilla.

“We’re auditoning,” sabi ni Piolo, “we’re auditioning actors, we’re auditioning people from Mindanao. This movie is not about actors, this movie is about the history, about what happened in Marawi. Ang priority namin talaga dito is mapaganda ‘yung istorya, mapaganda ‘yung script na sana mapaganda din ‘yung execution ng pelikula.”

Dahil mabusisi ang paglalarawan at pangangalap ng mga kaganapan sa parteng ito ng Mindanao, hindi masusunod ang target nilang June calendar date na showing. Ito’y dahil na rin sa kagustuhan nila na lalo pang mapaganda ang pelikula.

“Originally, we wanted to show it on June but because of the script, mahirap namang biglain mo. Today nag-meeting sila with the director and the writer, nandun kami sa revision after ipadala yung first draft, ni-revise ngayon, drinaft uli, ngayon dire-diretso habang nagro-roll kami ng auditions. Talagang gusto naming maging malinis, mahirap kasi mahal siya. Kailangan sigurado ka na maganda yung ilalabas mo na produkto.”

Kaugnay ng nasabing project, naging bisi-bisihan na si Piolo, inakala tuloy ng ilang Home Sweetie Home suki viewers na nagpaalam na siya sa sitcom.

“No, they just presented a new concept, we’re adding a new character, suprise ‘yun. ‘Yung two weeks na sinabi sa akin, pang-fifth month ko na and I’m having a good time because kasama ko si Tin (Toni Gonzaga) and it become a family as well. Hangga’t walang directive from the management, we’re staying on,” paglilinaw ng aktor.