STAR MAGIC 13 copy

Ni NITZ MIRALLES

IPINAKILALA na ng Star Magic ang 13 newest faces na sa darating na panahon, mapapanood nating magbibida sa TV shows ng ABS-CBN at movies ng Star Cinema. Lahat may potential at determinadong sumikat, kaya suportahan natin sila.

Nangunguna si Donny Pangilinan (20 y/o) na napapanood bilang video jock sa MYX, singer, at pinasok na rin ang pelikula via Regal Entertainment’s Walwal. Anak siya nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa at kahit noong wala pa sa showbiz, sikat na.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Zonia Mejia (16) ay galing sa Pinoy Big Brother at galing sa family ng swimmers. Nakasama na siya sa LuvU at The Promise of Forever. Dream niyang gumanap bilang mermaid dahil mahusay nga siyang lumangoy.

Si Yasmyne Suarez (20) na 2013 pa ay nagwu-workshop na sa Star Magic at bongga ang credentials dahil nag-aral ng theater sa New York University. Lumabas na siya sa pelikulang Spirit of the Glass 2.

Next sa list si Henz Villaraiz (18) na sumali sa Pinoy Boyband Superstar last year. Ang strength niya ay singing, dancing, playing the guitar and writing songs. Napapanood siya sa Sana Dalawa Ang Puso at may gagawing pelikula sa 2018 Cinemalaya. With his hairstyle, takaw-pansin si Henz.

Fifteen year old Daniela Stranner is a Filipino-German teener. Sa isang music festival siya na-discover, pinag-report for a VTR, nag-acting workshop at pinapirma ng kontrata sa Star Magic.

Patty Mendoza (20) is a UST student and commercial model at ngayon, susubukan ang showbiz. Dream niyang makasama sa pelikula ang idols niyang sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Next is Leila Alcasid (20) na anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren. Singing, painting/drawing and writing ang talents niya. Released na ang first single niyang Completely In Love With You. Ang dream ni Leila ay makasama sa pelikula ang dad niya.

Si Anna Luna (22) ay nakilala na sa indie film gaya ng Paglipay ni Zig Dulay, Maestra ni Lemuel Lorca na nagpapanalo sa kanya ng Best Actress award sa Five Continents International Film Festival in Venezuela. Kasama rin siya sa cast ng Star Cinema movies na The Breakup Playlist ,How To Be Yours at Dear Other Self. Pero mas tumatak siya sa award-winning film na Changing Partners na napanood ni Mr. Johnny Manahan at pinapirma siya sa Star Magic.

Chantal Videla (15) ay Fil-Argentinian na nagsimulang commercial model at 13 years old. Gusto nitong sundan ang success ni Liza Soberano at dream makasama si Liza sa soap at pelikula.

Si Karl Gabriel (20), a mechanical engineering student ay pumasok sa showbiz para matulungan ang kanyang pamilya.

Nag-audition siya sa Pinoy Boyband Superstar, hindi lang siya natuloy sa live shows dahil naging emotional sa taping.

Markus Paterson (19), footballer at music-lover. Sumali rin sa Pinoy Boyband Superstar, hindi lang sinuwerte, pero doon siya nakilala. Kasama na siya sa ASAP Chill Out, nag-guest sa Wansapanataym at kasama sa cast ng daytime series na Sana Dalawa Ang Puso. Recording artist din siya ng Tarsier Records.

Next is Charlie Dizon (21) na acting at dancing ang talents. Ang dami muna niyang attempt bago nakapasok sa Star Magic, pero nagbunga rin sa wakas ang determinasyon niya. Nakasama na siya sa mga pelikulang Finally Found Someone, Loving in Tandem at Seven Sundays. Biggest blessings ni Charlie sa kanyang career ang mapasama sa cast ng  Bagani.

Last but not the least, is Tony Labrusca (22) na ang talents ay singing at acting. Produkto siya ngPinoy Boyband Superstar na naging stepping-stone para mapasama siya sa La Luna Sangre.

Recording artist na rin si Tony with the release of his debut single Tanging Ikaw. Dream niyang makatrabaho ang mahusay na veteran actor na si Eddie Garcia.

Mahusay sumagot sa mga tanong si Tony and he can converse in English and in Tagalog.

Let us welcome the 13 newest member of 2018 Star Magic at suportahan natin silang lahat!