Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- San Miguel vs.Ginebra

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

(Game 3, best-of-seven)

MAKAABANTE sa markadong 3-0 bentahe ang tatangkain ng San Miguel Beer sa muling pakikipagtipan sa reigning champion San Miguel Beer sa Game 3 ng kanilang best-of-seven semifinals series sa 2018 PBA Philippine Cup sa MOA Arena.

Nakamit ng Beermen ang 2-0 lamang sa serye matapos ang winning tip-in ni Marcio Lassiter sa nalalabing 3.2 segundo ng Game 2 matapos magmintis ng lay-up ni Junemar Fajardo noong Linggo ng gabi sa larong idinaos sa Araneta Coliseum.

Ikinatuwa ni SMB coach Leo Austria ang naging kampanya ng Beermen, higit ni Lassiter.

“My players, ayaw nila magpatalo kaya salute ako sa kanila. I’m sorry for my players dahil extended ang minutes nila unlike in the first game,” pahayag ni Austria.

“Pero this game is very important. Kung gusto nila magpahinga tomorrow pwede pa magpahinga. 36 hours before the next game I think that will be enough rest for them. We will take our usual viewing to see what kind of adjustment ang ginawa nila since it’s effective eh,” aniya.

Hindi naman pinalagpas ni Austria ang pagkakataon upang bigyang papuri ang kanyang mga players dahil sa buong pusong ibinibigay sa laro.

“Ang mga players, wala akong masabi sa kanila. Talagang they played with a lot of heart, maybe because they are used to this kind of situation,” ayon kay Austria.