Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magtatapyas ito ng P1.20 sa kada litro ng kerosene, 55 sentimos sa diesel, at 35 sentimos naman sa gasolina.

Unang nagpatupad ng kaparehong bawas-presyo sa diesel at gasolina ang Eastern Petroleum Corp. bandang 12:01 ng madaling araw ngayon.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kahalintulad na oil price rollback, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa datos ng Department of Energy (DoE), ang bentahan ng gasolina ay nasa P46.80 hanggang P57.12 kada litro, P43.50-P53.70 sa kerosene, at P35.80-P42.55 naman sa diesel. (Bella Gamotea)