Ni REGGEE BONOAN

NGAYON ang premiere night sa SM Megamall Cinema 7 ng My Perfect You na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

GERALD AT PIA copy

Positibo ang mga reaksiyon sa pelikula na naririnig namin at sa katunayan ay mabilis na umabot sa mahigit isang milyon ang views sa trailer ng pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinulat namin kahapon na tinapak-tapakan ni Direk Cathy ang ego nina Gerald at Pia at humanga siya sa dalawa. Hiningan namin ng komento ang binata tungkol dito.

“Eh, kasi naririnig ko naman kung paano magdirek si Direk Cathy, so day one pa lang (ng shooting), open na ako kung anuman ang mangyari at sasabihin, tatanggapin ko, and use it sa tamang paraan, gamiting motivation.

“Feeling ko, hindi magiging ganu’n kaganda ang performance ko rin kung ‘di si Direk Cathy ang nagdirek ng movie na ito. Ito po ‘yung pinakamahirap na nagawa kong pelikula dahil napakakumplikado ni Burn (karakter niya), ‘dami niyang nararamdaman, pinagdaanan.

“Masakit, ‘tapos sasabihin pa niya sa mike ‘tapos ang dami pang tao! Ganu’n siya talaga, eh, at may mga times na masakit pero mamahalin mo siya talaga.

“Minsan tatanungin niya, ‘Gerald, anong klaseng acting ‘yan? Sasagutin ko na kasi alam ko na, ‘Inutil na acting po, Direk.’ So, ganu’n siya talaga, totoong tao siya. Kung hindi mo siya kilala at napadaan ka lang sa set at narinig mo ‘yun, mao-offend ka talaga. Alam ko naman na ginagawa niya ‘yun para ma-motivate kaming lahat, ganu’n sa lahat ke talent o hindi,” kuwento ng aktor.

Inamin din ni Gerald na sa rami na ng nagawa niyang pelikula at teleserye ay ngayon lang siya nakatikim ng panlalait mula sa direktor.

“Sobra, ngayon lang talaga, sobra!” naiiling na sagot ng aktor na hiniritan naman ni Wilma Doesnt ng, “Masakit ba? Sa sobrang tagal ay nasanay na kaming lahat.”

May kissing scene nga ba sila ni Pia sa pelikula?

“Abangan ninyo kung paano namin ginawa at bakit namin ginawa. Isa ‘yan sa pinaka-romantic scene na ginawa ko, kasi alam naman ng lahat na mahilig ako sa nature and for me to be able to do that, ‘yung element na gustung-gusto ko, sobrang natuwa ako,” say ng aktor.

Ano ang pakiramdam ni Gerald na naka-kissing scene niya ang isang Miss Universe?

“Si Abby (karakter ni Pia) ang kahalikan ko, hindi naman si Miss Universe.”

‘Yun kaya ang premyo sa lahat ng mga panlalait na naranasan niya kay Direk Cathy?

Anyway, bukas na mapapanood sa mga sinehan nationwide ang My Perfect You mula sa Star Cinema.