‘BALUGA at dokling’ ang tawag ng netizens kay Ariel Rivera na gumaganap na kontrabida bilang si Jacob sa seryeng Hanggang Saan nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Teresa Loyzaga at Sue Ramirez.

ARIEL_please crop copy

Isinusumpa ng mga sumusubaybay ng serye si Ariel na nababasa sa thread ng IWantTV at alam daw ito ng aktor.

Kaya tinanong ni Sylvia si Ariel kung, ‘Dokling ka ba? Kasi ‘yun ang nababasa ko, dokling at baluga ka! Tanggap ko na baluga ka, pero ‘yung dokling parang hindi naman.’

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Ito ang kuwento sa amin ng aktres.

Tawa naman daw nang tawa si Ariel na hindi napipikon sa basher kundi itinuturing pang magandang senyales ng epektibong pagganap niya sa Hanggang Saan, ang unang kontrabida role niya.

Paanong hindi mo kamumuhian si Ariel, e, nakulong na’t lahat, nakalabas pa rin at mas lalo pang nagpursigeng iligpit ang pamilya ni Sonya (Sylvia) dahil ramdam niyang malapit nang mabuko na siya ang may kagagawan kung bakit nalugi ang educare at ng pagkamatay ni Edward Lamoste (Eric Quizon).

Maging ang abogado nitong si Atty. Balmaceda (Rolando Inocencio) ay pinaglihiman niya na itinapon niya ang baril sa ilog at nakuha ito ng kampo nina Paco (Arjo Atayde).

Kaya inutusan ni Jacob ang hepe ni Jojo (Rommel Padilla) na kasabwat na kunin ang baril para mawala ang ebidensya.

At dahil dito ay napatay na si Atty. Georgette (Maxene Medina) na nag-akalang nasa kanya ang baril na nakuha sa ilog para isuko sa korte.

Maingay at makulit sa set ng Hanggang Saan si Ariel kaya nagugulat ang iba na nag-akalang seryosong tao siya.

“Luku-luko si Ariel at baluga na talaga ang tawag ko sa kanya, hayun, tatawanan lang ako,” tumatawang kuwento ni Ibyang.

Abangan ang Hanggang Saan pagkatapos ng Asintado ni Julia Montes sa ABS-CBN.