NI Nitz Miralles

HULING linggo na ng Ika-6 Na Utos.

May mga nalulungkot na magtatapos na ang number one daytime programa, pero may mga natutuwa rin lalo na ang naghihintay sa magiging katapusan ng karakter ni Georgia na ginagampanan ni Ryza Cenon.

Ryza copy

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May post si Ryza as Georgia at feeling ng mga nakabasa, naasar na ang aktres sa kanyang bashers. Sabi kasi niya, “Happy Bashers, Happy Life! ok na siguro tayong lahat? Happy na?”

Ang picture na ginamit ni Ryza sa kanyang post ay ‘yung eksenang kinukunan siya ng mugshot nang arestuhin na ang karakter niyang si Georgia.

May kasunod pang post si Ryza na parang iniinis pang lalo ang bashers niya: “Bad Georgia jan! Pero nalulungkot silang lahat ngayon hahahaha.”

Sa pagtatapos ng Ika-6 Na Utos, may mensahe si Ryza sa mga nag-sympathize sa karakter niya.

“Ang ultimate message ko sa mga taong nakaka-relate kay Georgia ay mahalin at respetuhin ang sarili bago magmahal ng iba kasi may tendency na makagawa ka ng masama dahil wala ka nang itinira sa sarili mo.”