Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA

MULING pinasaya ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. ang daan-libong mga mananood sa kinasasabikan at naggagandahang flower floats na iba ay may nakalulan pang celebrities sa grand parade ng Panagbenga Festival sa Summer Capital nitong Pebrero.

gma-1 copy

Dalawampu’t apat na makukulay na float na may iba’t ibang disenyo at klase ng mga bulaklak at ormamental plants ang itinampok sa parada at nagpahanga sa mga manonood.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa mga pumarada, nagpaligsahan ang 11 big floats at 8 small floats, samantalang tatlong floats naman ang Hall of Famer at ang float ng city government na lulan ng mga nanalo sa Miss Baguio 2017.

Ang mga entry sa big float category ay ang ABS-CBN, Department of Agriculture, GMA Network International Pharmaceutical,Inc., Jollibee Food Corporation, Kambal Pandesal-San Miguel Mills,Inc., MC Master Siomai Hut,Inc., M. Lhuillier Financial Services, Montanosa Pastoral Resources Copr/Porta Vaga Mall, Sitel Philippines Corporation at Taloy Norte Farmers Multi-Purpose Cooperative.

Ang mga entry naman sa small float category ay binubuo ng Coca-Cola, Igorot Man, IPC-APTS, Maybank, Palawan Pawnshop, Pradera Verde-Lubao International Balloon and Music Festival, Saleng Garden at Universal Robina Corporation.

Ang flower float parade ang higit na dinadayo ng mga manoood, turista man o residente ng siyudad, para tunghayan ang mga idolong celebrities, gaya ng cast ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinangunahan ni Coco Martin.

Kapuso celebrities naman ang lulan sa GMA float, at naging sopresa sng paglahok nina Empoy Matques at Mommy Dionisia Pacquiao na lulan sa kani-kaniyang iniendorsong float.

Nagwagi bilang grand champion sa big floats category ang Master Siomai na may premyong P500,000, pangalawa ang M.Lhuillier na tumanggap ng P300,000, at pangatlo naman ang Sitel, na may premyong P200,000.

Sa small float ay grand champion ang Maybank na nag-uwi ng gantimpalang P200,000, pangalawa ang Saleng Garden-Metro Pacific na may premyong P150,000 at pangatlo ang Coca-Cola tumanggap naman ng premyong P100,000.