Ni NITZ MIRALLES

SI Gerald Anderson pala ang tinatawag na Zac Efron ng Pilipinas. 

Nabasa namin ang tungkol dito sa isang fan ng aktor na leading man ni Pia Wurtzbach sa Star Cinema movie na My Perfect You. Nag-post kasi ng picture si Gerald kuha sa shooting ng pelikula na mahaba ang buhok at doon nag-comment ang fan ni Gerald ng, “Ang @zacefron Pinoy version.” 

Ano kaya ang reaction ni Gerald na tinawag siyang Zac Efron ng Pilipinas?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 Anyway, sa kanyang post, inulit ni Gerald ang sinabi sa presscon na ang role niya sa My Perfect You ang isa sa kumplikadong role na kanyang ginampanan.

“I’ve been living in this guy’s skin for the last 37 days... One of the most complicated characters i’ve been blessed to play. Burns journey has taught me so much about life and experiencing his pain failure happiness love will be an unforgettable ride...Thank you @starcinema for always giving me an opportunity to better my craft...

I’ll see you around Burn... March 14 #myperfectyou #burn.”

Ang cute lang, nag-blush si Gerald nang tanungin tungkol sa eksena nila ni Pia na nakita ang kanyang puwet. 

“Puwet ko talaga ‘yun,” parang nahihiyang pag-amin ng aktor.

May kissing scene din sina Gerald at Pia sa My Perfect You , kung ilan, malalaman n’yo kapag pinanood ninyo ang pelikula sa direction ni Cathy Garcia-Molina.