Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Hindi akalain ng isang lalaki na ikapapahamak nito ang pagsali sa isang inuman nang paluin ng bote ng alak sa Purok Sentro, Barangay Lomboy, La Paz, Tarlac nitong Linggo ng madaling araw.

Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital ang biktimang si Christian Paulo Nicolas, 21, dahil sa tinamong sugat sa ulo habang nadakip naman ang suspek na si Arnold Villarico, 41, ng nasabing barangay.

Ayon sa La Paz Police Station, nakipag-inuman ang suspek sa ilan nitong kaibigan sa tapat ng kanyang bahay, dakong 2:10 ng madaling araw.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sumali umano ang biktima at nakitagay sa inuman at nang makita ito ng suspek ay bigla na lamang hinampas ng bote sa ulo.