Ni Lyka Manalo

STA. TERESITA, Batangas - Nasa kustodiya na ng Batangas Police Bomb Squad ang dalawang granada na umano’y nahukay sa labas ng bahay ng isang magsasaka sa Sta. Teresita, Batangas, nitong Biyernes ng tanghali.

Ang nasabing mga pampasabog ay nadiskubre ni Andres Agno, ng Barangay Calumala, sa nasabing bayan.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), natagpuan ni Agno ang dalawang granada habang ito ay naglilinis sa paligid ng kanilang bahay, bandang 12:00 ng tanghali.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog