Ni Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac - Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang 50-anyos na lalaki na pinagtataga ng matagal na nitong kaalitan sa Barangay Bangar, Victoria, Tarlac nitong Huwebes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Victoria Police, nakilala ang biktimang si Macario Valdez, may asawa, na nagtamo ng mga taga sa ulo.

Kaagad namang nadakip ang suspek na si Larry Villacentino, 51, may asawa, magsasaka, ng nasabing barangay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bago ang insidente, nakipag-inuman ang suspek sa kanilang lugar hanggang kinumpronta ang biktima sa matagal na nilang alitan.