Ni Hans Amancio

Mahigit P7,000 halaga ng travel items ang tinangay ng mga kawatan mula sa isang mall sa Quiapo, Maynila, nitong Miyerkules.

Kinilala ni PO1 Roderick Kabigting, may hawak sa kaso, ang mga suspek na sina Julieus Rey Tan, 27; at Ross Ramon Batiancila, 20, ng No. 2981 Clemente Street, Gagalangin, Tondo, Maynila.

Iniulat na pinasok ni Batiancila ang SM Quiapo na matatagpuan sa Carlos Palanca St., sa Quiapo, Maynila, dakong 7:00 ng gabi at bumili ng travel luggage sa department store. Samantala, kinuha ni Tan, sales clerk sa nasabing department store, ang biniling item at nagtungo sa kanilang stock room habang si Batiancila ay nagpunta sa tindahan ng mga laruan.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Tan mula sa stock room bitbit ang luggage, at ibinigay kay Batiancila.

Kinumpronta ng guwardiyang si Joepel Tamayo, na iniulat na nakapansin sa insidente, ang suspek at dinala ang mga ito security office.

Narekober ng awtoridad ang isang Hawk backpack, isang Jovanni backpack, isang pares ng World Balance shoes, Homeworld Pillow cases at isang pares ng Beverly Hills Polo Club jeans, na nagkakahalaga ng P7,048, mula sa mga suspek na pawang mahaharap sa kaukulang kaso.