Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Dahil hindi na umano makayanan ang iniindang karamdaman, isang 53-anyos na lalaki ang nagbigti sa Tarlac City nitong Miyerkules ng umaga.

Sa report ni PO2 Marbven Dayrit, ng Tarlac City Police, nakilala ang nasawi na si William Banta, ng Barangay San Isidro, Tarlac City.

Nadiskubre sa pagsisiyasat na labis umanong dinamdam ni Banta ang sakit nitong cancer, at ito umano ang nag-udyok upang kitilin ni Banta ang sariling buhay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napansin umano ni Jowinter Sabado, landlord ni Banta, na naging malulungkutin ito at labis na ikinabahala ang sakit.

Gayunman, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung nagkaroon ng foul play sa insidente.