Oranza, nanatiling lider; Navymen, tuloy sa hataw

lapnos

TARLAC — Nanatili ang red jersey kay Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance matapos manatiling nakadikit sa podium matapos ang Stage Six ng 2018 LBC Ronda Pilipinas na pinagbidahan ni George Oconer ng Go for Gold kahapon sa Pamahalaaang Panlalawigan dito.

Magkapanabay na tumawid sa finish line ang dalawa na hindi nagtantanan sa kabuuan ng 111.8-kilometer race na nagsimula sa San Jose, Nueva Ecija para maitala ang magkaparehong tyempo na dalawang oras, at 37.04 minuto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napanatili ni Oranza ang kapit sa liderato tangan ang kabuuang oras na 20:17:12.

Nagawang bumida ng 26-anyos na pambato ng Villasis, Pangasinan, sa kabila nang mga sugat sa tuhod at kamay nang masangkot siya sa banggaan sa Camiling, Tarlac nang aksidenteng matumbok ang likuran ng kanyang bisikleta ni Go for Gold Developmental team’s Roel Quitoy matapos masagi ng motorcycle-riding marshal.

Suot pa rin ni Oranza ang red LBC jersey sa pagsikad ng Stage Seven individual time trial simula 8:00 ng umaga simula sa provincial capitol at magtatapos sa Monasterio de Tarlac sa San Jose, Tarlac.

“Makirot, pero okey lang. makakaya naman natin hanggan sa susunod na stages,” pahayag ni Oranza.

Nagtamo rin ng sugat at gasgas sa paa at kamay sina Philippine Army-Bicycology Shop Pfc. Marvin Tapic at Pfc.

Merculio Ramos nang masangkot sa hiwalay na insidente sa kalagitnaan ng karera.

“Tinamaan ng bike sa likod. For x-ray now,” pahayag ni Bicycology Shop team manager Eric Buhain.

“Pero laban pa din sila! Kanina lumaban ng husto ang Army natin. Nag-berde ang harapan ng peloton. Konting malas lang kasi napasama sa semplang. Konting swerte lang kulang,” aniya.

Natamo naman ng 25-anyos na si Oconer ang unang lap win sa 12-stage cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Tumataginting na P1 milyon ang naghihintay na premyo para sa individual champion.

“Nakaisa rin. Masaya ako, hopefully masundan pa,” sambit ni Oconer, pangatlo sa overall title na pinagwagihan ni Santy Barnachea ng Team Franzia noong 2015.

Nanatili naman sa No.8 si Oconer na may kabuuang oras na 20:31:22.

Kasama naman ang 32-anyos na si Jan Paul Morales, target ang ‘three-peat’ title, sa peloton may siyam na segundo ang layo para manatili sa No.2 (20:22:20). Tangan naman niya ang pangunguna sa sprint classification.

Nasa pangatlo si Ronald Lomotos ng Navy-Standard (20:26:09), kasunod sina Jay Lampawog ng Go for Gold Developmental team, Pfc. Cris Joven ng Army-Bicycology Shop (20:28:48) at Ronnel Hualda ng Go for Gold Developmental team (20:29:47).

Nasa top 10 sina Navy-Standard’s John Mark Camingao (20:29:53), Stage Five winner El Joshua Carino (20:32:17), Irish Valenzuela ng CCN Superteam at 2013 title-holder (20:32:23).

Nangunguna rin ang Navy sa overall classification na may kabuuang oras na 81:23:35 kasundo ang Go for Gold Developmental Team (81:53:13) at Army-Bicycology (82:10:37).