Ni Tara Yap

ILOILO CITY - Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang barangay chairman nang bugbugin umano nito ang isang beteranong mamamahayag sa Iloilo City, nitong Miyerkules ng umaga.

Sinampahan ng kasong physical injuries si Sumakwel Nava, 77, chairman ng Barangay Libertad-Lapuz, sa pambubugbog umano kay Herbert Vego, 68, kolumnista at dating editor ng Panay News, isang lokal na pahayagan sa lungsod.

Sa reklamo ni Vego, nagkakape siya sa isang hotel nang biglang dumating si Nava at kaagad umano siya nitong sinapak nang dalawang beses.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinangka rin umanong bunutin ni Nava ang baril nito ngunit naawat ito ng mga waiter at kasamahan nito.

Ipinapalagay ni Vego na may kinalaman ang insidente sa pagbanat niya sa social media kay Councilor Plaridel Nava, na anak ng kapitan.