Ni Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac - Tatlong lalaking nakamaskara ang nangholdap sa isang negosyante sa Barangay Surgui 1st, Camiling, Tarlac nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni PO1 Medardo Naelgas, Jr. na bukod sa P50,000 na natangay sa negosyanteng si Sammy Lim, ng Bgy. Surgui 1st, Camiling, kinulimbat din ng tatlong suspek ang kagamitan ng tatlong tauhan nito na sina Danny Valete, 19, binata; Diana Rose Espiritu, 21, ng Bgy. Surgui 1st, Camiling; at Albert Taban, 25, binata, ng Bgy. Cacamiliungan Sur, Camiling.

Sa imbestigasyon, ipinapasok na ni Taban sa bahay ni Lim ang tricycle na ginagamit nila sa negosyo nang sundan siya ng tatlong armadong lalaki at hinoldap.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay nakasuot ng itim na jacket, sombrero, at nakamaskara.