Ni NORA CALDERON

UMAMI ng libu-libong likes at comments ang post ng debutante na si Bianca Umali sa Instagram na nakasuot siya ng black bikini.

Bianca Umali

Bianca Umali

Hindi lang fans ang humanga sa beauty at kaseksihan ng lead star ng teleseryeng Kambal Karibal kundi maging ang mga kasama niya sa GMA Network.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Komento ni Bea Binene: “Porke’t 18 na, puwede nang mag-post ng ganyan?? Mishu.”

Sabi naman ni Camille Prats: “Aba, aba, aba” with three hearts emoji.

Maging si Miguel Tanfelix na katambal niya uli sa Kambal Karibal, halos hindi makasagot nang hingan ng komento ng “Chika Minute” sa 24 Oras.

“Ah, maganda!” pautal na sagot ni Miguel.

Mas makikita ang mga eksena ni Bianca as Crisan sa kanilang teleserye, dahil mag-aaway sila ni Kyline Alcantara, ang kaaway niyang si Cheska at nasa katawan nito ang kaluluwa ng kakambal niyang si Crisel na parehong in love na in love kay Diego (Miguel). Magkakaroon sila ng catfight at mahuhulog sila sa tubig.

Inaabangan na ito ng viewers na sumusubaybay sa Kambal Karibal gabi-gabi pagkatapos ng Sherlock Jr.

Sa Saturday, March 17, ang grand debut ni Bianca sa isang five-star hotel although she turned 18 na noon pang March 2, na ipinagdiwang niya with her family sa Sorsogon.