Ni Danny J. Estacio

BIÑAN CITY, Laguna - Bumulagta ang umano’y tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa St. Rose Subdivision, Barangay San Antonio sa Biñan City, Laguna, iniulat kahapon.

Kinilala ni Supt. Reynante Ariza, hepe ng Biñan City Police, ang suspek na si Joel N. Hernande, alyas “Topet”, 39, binata, pintor, at taga-Block 5, Lot 38 ng nasabing lugar.

Nakipagtransaksiyon bilang poseur buyer si PO2 Orlando Perez sa suspek para sa isang pakete ng hinihinalang shabu, pero sa halip umanong sumuko ay kumaripas ng takbo si Hernande at nagtago sa banyo ng isang bahay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa puntong ito, pinakiusapan ng kabaro ni Perez, si PO3 Jeffrey Red Dizon, ang suspek ngunit hindi umano ito nakinig at sa halip ay binaril si Dizon dahilan upang gumanti ang awtoridad at bumulagta si Hernande.