Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Magkakasunod na dinakip sa Pangasinan ang limang wanted na sinasabing sangkot sa iba’t ibang kaso.

Isang menor de edad, na umano’y sangkot sa rape, ang dinakip sa Bautista.

Dinakip naman si Jordan Ferrer, 26, ng Barangay Nalsian Bacayao, Calasiao, dahil sa acts of lasciviousness.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi rin nakaligtas si Gilbert De Vera, 40, na akusado sa attempted homicide sa Mangaldan, Pangasinan.

Dinampot din si Jean Mercado, 45, ng Mapandan, na sangkot sa estafa; at si Julius Lapaz, nasa hustong gulang, na inaresto sa Bgy. Amanoaoac, Mapandan, Pangasinan.