Ni Yahoo

AT ang nagwagi para sa best date ay … si nanay.

Mula sa Golden Globes hanggang sa British Academy of Film ang Television Arts Awards, marami na namang naging paboritong A-list couple sa naganap na gabi ng parangal ng Oscars.

Irmelin at Leonardo copy

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagamat gustung-gusto ng mga manonoood na makita ang kanilang mga iniidolo, na nagguguwapuhan suot ang black-tie attire, agaw-atensiyon naman ang mga bituin na nagdesisyong i-date sa espesyal na gabi ang kani-kanilang ina.

Ang mga butuin gaya nina Leonardo DiCaprio, Charlize Theron, at Lin-Manuel Miranda ay buong pagmamalaking naging escort ng kanilang mga ina sa paglalakad sa Academy Awards red carpet, na patunay na ang mga ina talaga ang pinakamagandang  ka-date o accessory.