Ni Marivic Awitan

IPINAKITA ni Kim Kianna Dy ang kanyang kahalagahan sa kampanya ng La Salle kasunod ng kanilang naging panalo kontra archrivals Ateneo Lady Eagles dahilan upang mahirang sya bilang UAAP Press Corps Player of the Week (POW).

Nagposte si Dy ng season-high 21 puntos na kinabibilangan ng 11 spikes, 7 blocks at tatlong aces upang pamunuan ang Lady Spikers sa paggapi sa Ateneo , 25-20, 25-17, 24-26, 25-20, nitong Sabado sa MOA Arena.

Nauna nang nangako ang opposite spiker sa kanilang head coach na si Ramil de Jesus na babawi siya sa mababang laro na ipinakita laban sa Adamson.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“After naming matalo sa Adamson, nag-message sa akin ‘yung bata na ‘yan. Sabi niya, sorry, nag-sorry and then babawi ako. Eto naman, pinakita naman niya,” ani de Jesus.

“I think, coming from a loss kasi, kailangan talaga naming mag-bounce back. And we need to get that confidence again,” ayon naman kay Dy.

Tinalo ni Dy para sa citation sina University of the East hitter Shaya Adorador at libero Kath Arado, Far Eastern University captain Bernadeth Pons, National University stalwart Jaja Santiago at University of the Philippines’ topscorer Tots Carlos .