Ni Joseph Jubelag

COLUMBIO, Sultan Kudarat - Lima pang kaanib umano ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Clolumbio, Sultan Kudarat kahapon, ayon sa Philippine Army (PA).

Sinabi ni 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Harold Cabunic ng PA, ang pagsuko ng mga ito ay sa gitna ng pinaigting na opensiba ng militar laban sa mga komunistang grupong nagtatago sa naturang lalawigan.

Ilang araw aniya bago ang pagsuko, nagpadala muna ng surrender feeler ang mga rebelde sa intelligence operatives ng nabanggit na military unit.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kabilang sa mga sumuko ay sina Michael Aday, 20; Nelboy Kabao, 18; Angelo Kaintuan, 18; Johnny Aduh, 19 at Benong Inggatan,35, mga dating miyembro NPA Guerilla Front 73 na nag-o-operate Sultan Kudarat at South Cotabato.

Isinuko rin nila ang dalawang M-14 at isang M16 automatics rifles at ilang grenade launcher.