Ni Francis T. Wakefield

Patuloy sa pagsuko ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley at Davao del Norte, ayon sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom).

Paliwanag ng 1001st Brigade ng 10th Infantry Division ng Philippine Army (PA), resulta lamang ito ng pagkumbinsi ni Pangulong Duterte sa mga ito na piliing sumuko sa pamahalaan, nang bumisita ang Presidente sa Panacan, Davao City noong nakaraang taon.

Tinukoy ng militar na aabot na sa 877 miyembro ng kilusan ang sumuko sa kanila hanggang Disyembre 21, 2017.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa nabanggit na panahon, nakarekober ang militar ng 15 iba’t ibang baril at siyam na improvised explosive device (IED), sa dalawang nabanggit na probinsya.

Kaugnay nito, dalawa pang miyembro ng NPA ang naaresto ng militar sa Maco, Compostela Valley.

Ang unang dinakip, na nakilala lamang sa alyas “Jano”, ay sinasabing miyembro ng liquidation squad ng NPA, habang ang isa pa, na nakilala sa alyas na “Lenny” ay kolektor umano ng extortion sa mga residente.