Ni Light A. Nolasco

BONGABON, Nueva Ecija - Natapos na rin ang pagtatago sa batas ng isang lalaking wanted sa multiple murder nang maaresto siya sa Bongabon, Nueva Ecija nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Arnel Valerio Santiago, hepe ng Bongabon Police, ang suspek na si Corcino Umadhay, 54, ng Sitio Malapaho, Barangay Curva.

Ang suspek, na dating miyembro ng Alex Napoleon Tunagtag Command ng Southern Front Committee ng New People’s Army (NPA), ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Molina Misajon ng San Remegio, Antique.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanya.

Inihayag ng pulisya na halos walong taong nagtago ang suspek simula nang tambangan umano ang ilang sundalo at pulis sa Iloilo noong Agosto 27, 2004.