Ni Mary Ann Santiago

Pinangunahan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang nasa 600 opisyal ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa “massive clean-up” ng mga estero sa Metro Manila, na sinimulan sa Estero dela Reina sa Tondo, Manila.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, joint inter-agency mula sa Department of Interior and Local Government, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, Manila Police District, Manila City Hall, Department of Public Service, Manila Engineering Office, Manila Health Department, Manila Barangay Bureau, Manila Department of Social Welfare at mga opisyal ng barangay ang nasabing paglilinis.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?