Ni Marivic Awitan

PINATAOB ng tambalan nina Rey Taneo at Joebert Almodiel ang karibal na sina Jhonel Badua at Joeward Presnede sa ‘do-or-die’ semifinal series kahapon sa NCAA Season 93 men’s beach volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Makakaharap nila sa finals ang magkasanggang Joshua Mina at Paolo Cezar Lim sa championship series.

Kinailangang manalo ng dalawa sa karibal, matikas na nakihamok sina Almodiel at Taneo para itarak ang 21-12, 21-14 at 23-21, 21-9 panalo kina Badua at Presnede para maisaayos ang championship match kontra kina Mina at Lim, nagwagi kina Bobby Gatdula at Christopher Cistina, 21-9, 22-20, ng Letran.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa panalo, nabuhay ang kampanya ng Las Pinas-based school para sa back-to-bck title. Nagwagi ang Perpetual na kinatawan sa nakalipas na season ng magkapatid na Rey at Relan Taneo.

“We hope to make my last season at Perpetual Help memorable with another championship,” sambit ni Taneo, Finals MVP sa matagumpay na kampeonato ng Perpetual sa NCAA indoor kamakailan.

Target naman nina Mina at Lim, na maibigay sa EAC ang unang men’s title sa torneo na itinataguyod ng Chigo Airconditioning, MTC & Infoworks, Crab & Belly, SBHATSVB, Subic Park Hotel, Bayfront Hotel, Terrace Hotel, SBMA, Balipure, Mikasa at Smart.

Sa women’s division, ginapi ng kambal na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray ng San Beda ang karibal na sina St. Benilde’s Jan Arianne Daguil at Melanie Torres, 21-18, 21-15, at nagwagi sina Jaylene May Lumbo at Glyka Medina ng EAC kontra Perpetual Help’s Marijo Medalla at Bianca Tripoli, 21-18, 21-10, para maisaayos ang championg duel.