Ni Mar T. Supnad

CAMP OLIVAS, Pampanga - Nakorner na rin ng pulisya ang isang retiradong tauhan ng U.S. Navy na nahaharap sa kasong panggagahasa sa Capas, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Ang suspek ay kinilala ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador Corpuz na si Rommel Navarro, na inaresto sa sa tinutuluyan nito sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Tinukoy ng pulisya na si Navarro ay ikatlong most wanted person sa nasabing bayan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaresto si Navarro sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court-Branch 66 sa Capas, sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan nito.

Si Navarro ay pansamantalang nakakulong sa Bamban Police Station.