Ni Leonel M. Abasola
Isinusulong ni Senator Grace Poe ang imbestigasyon sa “bukas-bagahe” sa mga paliparan sa bansa matapos na makatanggap ng ulat na talamak pa rin umano ito.
“The government needs to protect its people, especially OFWs, who work so hard to earn a living,” nakasaad sa resolusyon ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services.
Nitong nakalipas na buwan, kinansela ng pamahalaan ang kontrata ng Miascor sa Clark International Airport sa Pampanga dahil sa nakawan sa bagahe, at anim na empleyado ng kumpanya ang sinibak at kinasuhan.
Pero sa direktiba ng Palasyo, nakatuon lamang ito sa nabanggit na paliparan, at napaulat na marami pa rin umano ang nabibiktima ng bukas-bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Partikular na tinukoy ni Poe ang OFW na si Ramon Segarra, na nagreklamong nasira ang zip lock ng bagahe.