Ni Freddie G. Lazaro
CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ, Gamu, Isabela - Limang hinihinalaang kaanib ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar at pulisya sa Cagayan.
Nilinaw ni Lt. Col. Camilo Saddam, commander ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), na ang limang rebelde ay kabilang sa mga sumailalim sa training sa Zinundungan Valley noong 2014.
Ang mga ito ay nagawang magbalik-loob sa pamahalaan sa tulong na rin ng mga opisyal ng barangay sa bayan ng Rizal.
Hindi muna ibinunyag ni Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th Infantry Division ng PA, ang pagkakakilanlan ng mga rebel returnee para na rin sa kanilang kaligtasan.
Ang mga ito, aniya, ay kaanib ng tinatawag na militia ng bayan na ipinadala sa mga bulubundukin sa iba’t ibang lugar sa Cagayan.
“The credit goes to the local government officials who facilitated and assisted their constituents to return to the folds of the law.
We need to convince these NPA rebels to denounce their support to the terrorist group because we knew that when they undergo training, they pledged to support the terrorist groups,” sabi ni Brig. Gen. Perfecto Rimando, Jr., commanding officer ng 5th Infantry Division ng PA.