Ni ADOR SALUTA

MUKHANG natagpuan na ni Raymart Santiago ang bagong pag-ibig at ang babaeng kapalit ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

RAYMART AT AC LEGARDA copy

Sa larawang ipinost sa social media, makikitang magkakasama sina Raymart, ang me-ari ng Bench na si Ben Chan, talent manager na si Arnold Vegafria at ang woman of the hour na si AC Legarda. Ayon sa sources, pinsan umano ni Senadora Loren Legarda si AC.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Balitang magkarelasyon na ang si Raymart at si AC na senior division manager ng isang realty corporation. Samantalang patuloy pa ring napapanood si Raymart sa mga programa ng GMA-7.

Ayon sa sources ay matagal-tagal na ring magkarelasyon sina Raymart at AC. Tulad ni Raymart na may dalawang anak kay Claudine, sinasabing may dalawang anak din si AC at hiwalay rin sa asawa.