Ni Lyka Manalo

TANAUAN CITY, Batangas - Kritikal sa pagamutan ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang sakay sa kanyang kotse sa Tanauan City, Batangas nitong Lunes.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Senior Supt. Alden Delvo, pinagbabaril si PO1 Rex Allan Leus Paulmitan, miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, at residente ng Barangay Sambat sa lungsod.

Dakong 10:45 ng umaga at sakay sa itim na Mitsubishi Lancer (UCA-769) ang biktima para sunduin ang asawa nang pagbabarilin sa Bgy. Sambat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hinarangan umano ng pulang tricycle ang sasakyan ng biktima at pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad na nakatakas ang suspek patungong Bgy. Trapiche, at pinaghahanap na ngayon.