Ni Nitz Miralles

NAKAKALOKA ang bashers ni Ryan Agoncillo na karamihan ay fans ng asawang si Judy Ann Santos. Ang iba sa kanila, hindi pa rin matanggap si Ryan bilang asawa ni Judy Ann at ama ng mga anak nito.

RYAN AT JUDY ANN_option copy

Ang mas nakaloloka pa, karamihan sa bashers ni Ryan, hindi siya kilala ng personal at ni hindi pa yata nagkaroon ng chance na malapitan at makausap siya. Pero kung makapanghusga na mayabang ang TV host-actor ay ganu’n na lang.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Ilang beses na naming nabasa ang pambaba-bash kay Ryan at minsan, sa Instagram (IG) account pa ni Judy Ann, pero pinalalampas niya. Itong bagong banat sa kanya na, “Ew yikes you look like a lesbian lmfao” hindi na pinalampas ni Ryan at sumagot siya.

“Does lack of class and homophobia really go hand in hand? Or just in your case where you’re a complete package?”

Hindi nag-agree sa basher ang followers ni Ryan sa sinabi nitong without Judy Ann ay “nothing” si Ryan. Unfair naman ‘yun dahil mahusay na TV host si Ryan, mahusay na actor at hindi nababakante ng trabaho.