Ni ROBERT R. REQUINTINA
GUMAWA ng kasaysayan si Sophia Senoron, isang varsity debater ng San Beda University sa Manila, nang siya ang koronahan bilang Miss Multinational 2018 sa inaugural pageant na ginanap sa New Delhi, India nitong Lunes ng gabi.
Si Sophia, 17, ay ang unang Miss Multinational 2018 mula sa Pilipinas. Nasungkit naman ni Miss Germany ang 1st runner-up at si Miss India ang 2nd runner-up.
Dahil ito ang unang Miss Multinational, si Arnold Vegafria, national director, ang nagputong ng korona sa kandidatang nagwagi sa timpalak.
“I’m so proud of you. Mabuhay ang Pilipinas!” lahad ni Vegafria matapos koronahan si Sophia.
Una rito, sinabi ni Sophia na handa siyang makipagkompetensya sa international competition.
“I want to take this positively. I want to show the Philippines that I’m ready for this. I’m not that little girl anymore. I’m well-rounded now, I feel like I’m complete, I’m confident that I have the best shot that I have in India,” lahad niya.
Nagtapos si Senoron na may honors sa elementarya sa US. Noong high school, siya naman ang class salutatorian. Nasa ikatlong taon siya ngayon sa financial management sa San Beda University, na miyembro siya ng San Beda Debate Society.
Sa kabila ng kanyang matataas na grado sa San Beda, inihayag ni Sophia na hindi siya pumasa na makapagtapos nang may Latin honors dahil tumigil siya ng isang semester sa kolehiyo upang unahin ang kanyang mga tungkulin sa Miss World Philippines.
“You have to be a regular student to receive Latin honors in San Beda. In my case, I’m already disqualified because I did not attend my classes for one semester because of Miss World Philippines pageant,” sabi ng dalaga.
Pagkatapos ng kanyang pagsali sa mga pageant, sinabi ng champion debater na determinado siyang maging abogado sa hinaharap.
“I plan to become a lawyer no matter what happens. I carry that dream with me since I was around five years old. I just saw law books in my school library and ever since, I wanted to become a lawyer. The idea of helping people at what I do best which is speaking is what appeals to me so much,” aniya.
Si Sophia ay 5’4” at 109 lbs. Ang kanyang pampalipas oras ay pagbabasa at pakikipagdebate.
“I train in debating usually around five times a week. But because of my obligations for Miss World Philippines, I cut it down to two to three (times a week).”
Ibinunyag din ng bagong beauty queen na iniidolo niya si Sushmita Sen ng India, ang kinoronahang Miss Universe sa Manila noong 1994.