Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Malugod na ipinaalam kahapon sa publiko ni North Luzon Exspressway (NLEX) Corporation President Rodrigo Franco na binuksan na sa mga motorista ang Mabiga Interchange ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Ang pagbubukas ay dinaluhan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, at ngayon ay hindi na kinakailangang mag-U-turn ang mga patungo sa Manila North Road mula sa alinmang direksiyon ng SCTEX.

Ang mga galing naman sa NLEX na papunta sa Manila North Road ay direkta nang makakababa rito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa kabilang banda, ang mga sasakyang manggagaling sa Manila North Road ay diretso nang makakaakyat sa SCTEX o makadidiretso sa NLEX.

Nabatid na ginastusan ng P105 milyon ang pagkumpleto sa Mabiga Interchange.