NASIKWAT ni Jerome Villanueva, financial management graduating student ng Adamson University sa gabay ni head coach Christopher Rodriguez ang ika-3 titulo sa taong ito matapos magkampeon sa Mayor Christian D. Natividad Open Chess Championship na pinamagatang Fiesta Republika 2018 nitong Linggo, Pebrero 25, 2018 na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.
Si Villanueva ay tumapos ng five wins, two draws sa seven rounds kung saan ang 23-years-old Pasig City resident Villanueva ay may total 6.0 points, iskor na naitala din nina International Master Barlo Nadera ng Cebu at Sherwin Tiu ng Tacloban subalit nakamit ang titulo sa bisa ng superior tiebreak sa event na sinuportahan ni Mayor Christian D. Natividad mas kilalang “Agila ng Bulacan” sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament .
Tumapos si Nadera ng second place kasunod ang 3rd placer na si Tiu kung saan ang tournament director ay si FNA Reden “Red” A. Cruz ng Professional Chess Trainers Association of the Philippines - PCTAP, Inc. habang ang chief arbiter ay si IA Ilann Perez ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP).
Kabilang sa mga tinalo ni Villanueva ay sina Ronald Hermida ng Makati City sa first round, Jan Francis Mirano ng Aklan sa second round, Carl Zirex Sato ng Davao sa third round at Sherwin Tiu ng Tacloban sa fourth round.
Tabla siya kay International Master (IM) Barlo Nadera ng Cebu sa fifth round at dinaig si Fide Master-elect (FM) Daniel Quizon ng Dasmariñas, Cavite sa sixth round at nakipag draw kay National Master (NM) Emmanuel Emperado ng Paranaque City sa seventh at final round.
Naitala ni Villanueva ang three local chess titles sa loob lamang ng isang buwan.
Si Villanueva din ang kampeon sa Mariveles Open nitong Pebrero 3, 2018 sa Mariveles, Bataan at sa The J-Store Open nitong Pebrero 8, 2018 sa St. Joseph Subdivision sa Cainta, Rizal.
Nakapagtala naman ng tig 5.5 points sina Philippine chess wizard 12-years-old Michael Concio, top player nina Dasmarinas, Cavite mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at congresswoman Jenny Barzaga, National Master (NM) Emmanuel Emperado ng Paranaque City, National Master (NM) Nick Nisperos ng Bulacan at Lennon Hart Salgados ng Cagayan de Oro City tungo sa 4th hanggang 7th placers.
Ang mga napakasok sa top 11 na may tig 5.0 points ay sina John Ranel Morazo ng Panique, Tarlac, International Master (IM) Ronald Bancod ng Quezon City, Andrew Casiano ng Bulacan at Fide Master-elect (FM) Daniel Quizon ng Dasmariñas, Cavite.
Si Michella Concio, 22 -years-old, former top player ng University of Sto. Tomas chess team, ang nagwagi sa Top Lady award.
Bida din si Chester Neil Reyes ng Rodriguez, Rizal na naghari sa kiddies 14 and under division via superior tie break points kontra kina fellow six pointers Jasper Faeldonia, Johann Cedrick Gaddi at Cyrus Vladimir Francisco.