Ni Danny J. Estacio

ALAMINOS, Laguna – Dalawang katao ang nasawi nang salpukin ng isang cargo truck ang apat na sasakyan sa Alaminos, Laguna, nitong Linggo ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilala ni PO2 Allan Verastique, ng Alaminos Police, na sina Glessie G. Coronado, 41, may asawa, ng Barangay Tuy, Rizal; at Jeffrey Fandino, 38, ng Bgy. Pob. 4, Alaminos, Laguna.

Ang mga sugatan ay nakilalang sina Joel Coronado, 47; Ethel Joy Coronado, 16; Carl Jienell Coronado, 20, ng Bgy. Tuy, Rizal; at Salvacion Barcernas, 40, may asawa, ng Purok 5, Bgy. Limao, Calauan, Laguna.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng pulisya na dakong 12:20 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa Del Pilar Street sa Bgy. Poblacion 1.

Kaagad namang nadakip ng pulisya ang driver ng Mitsubishi truck na si Elynel Miguel Fernandez, 31, ng Purok 1 Prado, Bgy. Sionco, Lubao, Pampanga.

Binabagtas ng truck na minamaneho ni Fernandez ang lugar nang mawalan umano ito ng preno hanggang mabangga ang kotse ni Glessie na nakaparada lamang sa tabi ng kalsada, na sumuyod naman sa kotseng minamaneho ni Fandino.

Sinuro rin ng kotse ang bus na minamaneho ni Roderick Balictar, na tumatahak patungong San Pablo City, Laguna, na sumalpok naman sa kotseng minamaneho ni Aries del Rosario.