Ni Mar T. Supnad

VIGAN CITY, Ilocos Sur - Pinagbabaril ng mga hindi nakilalang lalaki ang isang barangay chairman sa Vigan City, Ilocos Sur, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Vigan City Police ang biktimang si Orbillo Abarquez Paa, chairman ng Barangay San Julian Sur, Vigan City.

Kaagad namang tumakas ang dalawang suspek matapos ang krimen.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa Bgy. Tamag ng nasabing lungsod.

Sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at pauwi na habang tinatahak ang Quirino Blvd. sa Bgy. Tamag nang bigla siyang lapitan ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril siya.

Naisugod pa ang bikitma sa Gabriela Silang General Hospital ngunit binawian din ito ng buhay.