Ni NORA CALDERON

FEELING very blessed si Gina Alajar nang tanggapin last Sunday ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award mula sa Star Awards ng Philippine Movie Press Club. 

GINA copy

Pang-third award na raw niya iyon since nag-start siya as a child star, nagtuloy sa pagiging actress at ngayon nga ay nagdidirek siya ng mga pelikula at teleserye. Ibinahagi niya ang awards na natatanggap niya sa mga artista at mga director na nakatrabaho niya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Kaya masaya ako na at 59, umaarte at nakapagdidirek pa rin ako,” sabi ni Gina sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. “At ngayon, aarte naman ako sa bago naming afternoon prime drama series na first advocaserye ng GMA 7 tungkol sa HIV virus. At tiyak maraming magagalit sa akin sa mga manonood sa role ko bilang matapobreng ina ni Mike Tan na ayaw na ayaw sa napangasawa niyang dukha, si Yasmien Kurdi. 

 

“Gusto ko kasi ang mayamang tulad namin na si Jackie Rice kaya gagawin ko ang lahat para apihin si Yasmien. Ay naku, abangan na lang nila kung ano ang gagawin ko kay Yasmien. Wala akong pakialam kung i-bash ako dahil ginagawa ko lang ang role ko.

“But I’m very proud sa tatlong kasama ko rito dahil produkto sila lahat ng Starstruck at kumuha sa akin ng acting workshop. Mga babies ko silang tatlo at natutuwa ako na nakikita ko ang fruits of my labor dahil maayos silang nakakaarte sa harap ng kamera.”

Dumarami na ang mga apo ni Gina. Mayroon riyang tatlong apo kay Ryan Eigenmann at tig-isa naman ang dalawa pa niyang anak na sina AJ na nasa Las Vegas at kamakailan lamang ay nagsilang naman ang girlfriend ni Geoff na si Maya. 

Kailan naman magpapakasal sina Geoff at Maya?

“Desisyon na nila iyon, matatanda na sila alam na nila ang dapat nilang gawin. May plano daw sila pero wala pang sinasabi sa akin. Basta susuportahan ko sila. Ayaw ko rin naman silang madaliin, alam nila ang buhay ko na bata pa ay nagmadali nang mag-asawa. Hindi madaling magkaroon ng isang broken marriage, kaya ang wish ko sa kanilang tatlo magkaroon sila ng successful married life.”

Ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay mula sa direksiyon ni Neal del Rosario at mapapanood na simula sa Lunes, pagkatapos ng The Stepdaughters.