Ni Nitz Miralles

KASAMA si Alden Richards sa grupo ng GMA Artist Center talents na magwu-workshop under New York based acting coach Anthony Vincent Bova. Dahil sa acting workshop, may mga nag-aakalang paghahanda na ito ng aktor sa gagawing teleserye.

Dapat last year ay nag-workshop din si Alden nang imbitahan ng GMAAC ang isa pang New York based acting coach, pero hindi siya nakadalo dahil sa schedule. This time, inayos ang schedule ng actor para makasama siya sa Kapuso talents na magwu-workshop.

Right timing naman dahil tapos na ang taping ni Alden sa isa sa Lenten Special ng Eat Bulaga kasama sina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon. Si Adolf Alix, Jr., ang director ng episode na hindi pa namin alam ang title. Napansin namin, si Adolf ang laging director ni Alden sa mga ginagawa nitong project sa TV pagdating sa acting.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

May AlDub fans lang na nagpahayag ng disappointment sa Lenten Special ng EB dahil akala nila noong una ay magkasama sila ni Maine Mendoza. May lumutang na ngang title, pero fake news pala ‘yun dahil magkahiwalay ng episode sina Alden at Maine.

Samantala, nagpapasalamat si Alden at ang GMA Records sa maraming nominasyon na nakuha ni Alden at ng GMA Records sa gaganaping 9th PMPC Star Awards for Music.

Nominated na Song of the Year ang song ni Alden na Rescue Me. Nominated din si Alden sa Male Pop Artist of the Year for Say It Again. Ang iba pang nominasyon ni Alden: Pop Album of the Year for Say It Again, Concert of the Year for Upsurge produced ng GMA Network at GMA Records, Male Concert Performer of the Year for Upsurge.

Masaya si Alden sa mga nakuhang nominasyon dahil aminado naman siya na hindi siya nagsimula bilang singer, pero heto dahil sa hard work, tiwala at suporta sa kanya ng kanyang fans, isa siya ngayong successful recording artist at performer ng bansa.